Diyos na aming Ama sa Langit, Panginoon ng kapayapaan at katarungan, mapagpakumbabang lumalapit kami sa lyo sa panahong ito ng tumitinding tensyon sa pulitika sa aming bahagi ng mundo. Sa nakalipas na mga taon, pinanatili Mo ang aming pananampalataya sa Iyo bilang isang bayan. Ang pananalig namin sa lyong Kagandahang-loob ang siyang nagligtas sa amin sa napakaraming kalamidad na dulot ng kalikasan gayundin ng mga dahil sa kagagawan ng tao na dumagok sa aming kasaysayan. Iligtas Mo po kami, mula sa lagim ng digmaan. Dinggin Mo ang aming pagsusumamo. Kahabagan Mo po kami, Panginoon; ipagsanggalang kami sa pwersa ng kasamaang nag-uudyok sa mga pinuno ng mundo. Naniniwala kami na "hindi kami nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid" (Efeso 6:12). Ipinapanalangin namin ang mga pinuno na pinagkatiwalaang gumawa ng mga pagpapasya para sa aming bansa. Buong puso naming ipinagkakatiwala sa lyo ang aming kinabukasan at humihingi kami ng kapatawaran at habag sa mga panahon na dahil sa aming mga takot at hinala ay nadungisan ang aming mga pananaw at nagdulot ng maling pagkiling at poot laban sa ibang katutubo at lahi. Taimtim kaming nagsusumamo na "gawin mo kaming mga daan ng iyong kapayapaan. Kung saan may pagkapoot ay magdala kami ng pagmamahal. Kung saan may pinsala, kapatawaran. Kung saan may pagdududa, pananampalataya. Kung saan wala ng inaasahan, pag-asa. Kung saan may kadiliman, liwanag. Kung saan may kalungkutan, kagalakan." Ito'y aming hiling sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na lyong Anak, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang-hanggan. Amen. Maria, aming Mahal na Ina at Reyna ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami. San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami. San Jose, ipanalangin mo kami. San Francisco ng Asisi, ipanalangin mo kami. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami. San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami. (Diocesan patron), ipanalangin mo kami.

From Awit at Papuri Communications